Ano ang mga tips bago magtanim ng palay?
- Pagpaplano
- Pag – asikaso ng lupa
- Paghahanda ng binhi at punlaan
- Pagtatanim at paglalagay ng pataba
- Pagpuksa ng damo at peste
- Pag-aani
Ang bigas ay isa sa mga importanteng produktong pang-agrikultura sa Pilipinas. Dito nanggagaling ang bigas o kanin, na isa sa mga pangunahing kailangan sa hapag kainan ng mga Pilipino. Ngunit bago maging bigas ang palay, maraming dapat pagdaanan ang mga magsasaka sa pagtatanim nito — mula pagpaplano hanggang pag-aani. Kung interesado ka, heto ang mga tips bago magtanim ng palay. Ipagtuloy ang pagbabasa.
Pagpaplano
Kung nais mong magtanim ng palay para sa iyong sakahan, ang unang hakbang na kailangan mong gawin ay ang pagpaplano. Depende sa laki ng lupa na iyong pagtatamnan, maaaring maging malaki ang kailanganin mong puhunan. Dahil dito, puwede kang humiram ng kapital sa bangko.
Maliban sa budget, kailangan mo rin siguruhin na nasa tamang kundisyon ang lupang iyong pagtatamnan. Maaari kang humingi ng tulong sa Bureau of Soils and Water Management na nasa ilalim ng Department of Agriculture upang magkaroon ka ng ideya sa kundisyon ng iyong lupain. Sa pamamagitan nito, mas madali mong malalaman ang mga dapat mong gawin.
Pag – asikaso Ng Lupa
Bago ka magtanim ng palay, kailangan mo muna ihanda ang lupa para maging maganda at mabilis ang paglaki ng mga iyong tanim. Kabilang sa iyong mga dapat gawin ang pagpapatubig, pag-aararo, pagsusuyod, at pagsasaayos ng pilapil:
- Linisin at ayusin ang mga pilapil (dam o embankment). Siguruduhin na walang mga butas na magsisilbing tirahan sa mga daga o daanan ng tubig.
- Patubigan mo ang sakahan para tumubo ang mga natirang buto. Maliban dito, magiging basa at malambot din ang lupa, para mas madali ito bungkalin.
- Araruhin ang lupa. Gumamit ng araro at kalabaw para araruhin ang lupa sa katamtamang lalim. Hayaang ito matuyo ng isang linggo.
- Araruhin muli ang lupa para maibaon ang mga tumubong damo at palay. Sa pamamagitan nito, maiiwasan mo ang halo.
- Magpatubig muli sa bukid. Ibabad ang lupa ng isa pang linggo. Araruhin ito paminsan minsan at suyurin ng tatlong beses upang makuha ang mga palay na hindi pa masyadong nabulok.
Paghahanda Ng Binhi at Punlaan
Ang susunod na hakbang ay ang pagpupunla o pagpapatubo ng mga binhi sa seed bed. Sa paraang ito, makikita mo kung maganda ba ang kalidad ng mga buto. Ito ang mga hakbang sa pagpupunla:
- Maghanda ng malaking lalagyan, palay, at malinis na tubig.
- Ilagay mo sa lalagyan ang palay at punuin ito ng tubig. Kailangan mong ibabad ang buto ng palay ng isa o dalawang araw.
- Pagkatapos, ilagay mo sa sako ang palay at alisin ang tubig. Paarawan ang basang palay hanggang lumabas ang mga ugat. Huwag kalimutan na basain ang mga ito tuwing umaga at hapon.
- Sa iyong palayan, maglaan ng espasyo para sa punlaan. Lagyan ng putik ang palibot nito upang protektahan ang palay sa pagpasok ng tubig.
- Ilagay sa punlaan ang mga palay at hintayin sumibol ang mga dahon.
Pagtatanim at Paglalagay Ng Pataba
Kapag handa na ang mga palay sa punla, maaari mo nang ilipat ang mga ito sa iyong taniman. Gumawa ka ng linya sa lupa upang pantay pantay ang pagtatanim mo ng mga punla.
Ang pagtatanim ng punla ay nakakapagod at maaaring magdulot ng pananakit ng katawan. Upang mas mapadali itong gawain, maaari ka ring gumamit ng rice transplanter. Kaya nitong magtanim ng mga punla ng mas mabilis at pantay pantay. Kung gagamit ka ng rice transplanter, kailangan mong ihanda ang mga seedling tray.
Ang pataba ay makakatulong sa mga palay na tumubo ng mabilis at malusog. Nakadepende ito sa dami at uri ng iyong palay.
Pagpupuksa Ng Damo at Peste
Ang mga damo o weeds ay nagsasanhi ng masamang epekto sa iyong mga tanim na palay. Makikihati sila sa nutrients, tubig, at espasyo ng lupa na dapat na napupunta sa palay. Dahil dito, maaaring bumaba ang kalidad at dami ng iyong ani. Upang makontrol ang pagdami ng damo, puksain ang mga ito sa unang 40 araw ng iyong paglipat ng tanim.
Maliban dito, isa ring problema ang mga peste na maaaring sumira ng iyong mga pananim. Para maiwasan ang mga ito, mainam na sumabay ka sa pagpapatanim ng nakakarami. Maghada ng mga solusyon sa mga pesteng naninira ng dahon, nagkakalat ng sakit, at kumakain ng mga palay — tulad ng green leaf hopper, kuhol, at daga.
Pag-aani
Bago gumapas, inirerekomenda na patuyuan ang iyong bukid ng isa hanggang dalawang linggo. May dalawang paraan para mag-ani ng palay — sa pamamagitan ng manual harvesting o paggamit ng harvesting machine. Ang benepisyo ng paggamit ng makinarya ay masisigurado nito ang mas malinis na ani at maiiwasan ang grain loss. Kaya rin nitong mag ani ng palay sa malawak na lupain ng mas mabilis.
Kung ikaw ay mag-aani ng palay ng walang gamit na makinarya, gapasin mo ito kapag 85% ng butil ay hinog na. Kung gagamit naman ng harvesting machine, siguraduhin na gapasin lamang ito kapag nasa 90 – 95% ng buti ay hinog na.
Key Takeaway
Ang pagtatanim ng palay ay isang mahabang proseso. Kailangan mong magplano ng maigi, ihanda ang lupa, at siguraduhin na maganda ang kalidad ng punla bago ka magtanim.
Kung kailangan mo pa ng karagdagang tips bago magtanim ng palay, maaari mo kaming padalhan ng mensahe rito sa Ford Tractor! Mayroon kaming rice transplanter, harvesting machines, tractor, at tractor attachments na makakatulong mas mapadali ang iyong negosyo ng pagtatanim ng palay.
Author’s Note: This entry was optimized by the best SEO Services Agency in the Philippines – SEO Hacker