< Back to Blogs

Paano Linisin Ang Tractor

Paano Linisin Ang Tractor

Paano linisin ang tractor?

  1. Basahin ang manufacturer’s manual
  2. Alisin ang mga dumi sa labas
  3. Hugasan ang tractor
  4. Hayaang matuyo ang tractor bago ilagay ang wax
  5. Linisin ang loob ng tractor

 

Ang tractor ay maaasahan sa maraming gawain sa iyong bukid—tulad ng pagbubungkal, pagtatanim, pag-aani, at iba pa. Dahil magagamit mo ito araw-araw, tiyak na maiipon ang dumi sa labas at loob nito. Kung hahayaan, maaapektuhan nito ang iyong gawain. Upang panatilihin sa pinakamahusay na kondisyon ang makinarya, mahalagang matutunan mo kung paano linisin ang tractor.

Ang paglilinis ng tractor ay maraming benepisyo. Pinanatili nitong mukhang bago ang iyong makinarya. Mas komportable rin gamitin ang tractor na malinis. Maliban dito, makikita mo rin kung may mga problema na kailangan ng serbisyo ng professional technician. Kung nais mong malaman paano maglinis ng tractor, ituloy lamang ang pagbabasa.

 

Basahin Ang Manufacturer’s Manual

Bago mo simulan ang paglilinis, ang unang hakbang ay basahin at intindihin ang manufacturer’s manual. Dito, matatagpuan mo ang tamang paraan kung paano linisin ang modelo ng iyong tractor. Nakalagay rin sa manual ang mga cleaning materials na dapat mong gamitin at mga lugar na dapat mong bigyan ng karagdagang atensyon. Maliban dito, nakasulat din ang mga hindi mo dapat gawin.

Kung nawawala ang iyong manufacturer’s manual, makipag-ugnay sa iyong supplier kung mayroon silang dagdag na kopya. Mahalaga na malaman mo ang tamang paraan para maglinis upang maiwasan ang pinsala sa tractor.

 

Alisin Ang Mga Dumi Sa Labas

Alisin Ang Mga Dumi Sa Labas

Kung madalas mong gamitin ang tractor sa iyong sakahan para magbungkal, magtanim, mag-araro, at iba pa, tiyak na may naipon na dumi sa labas at loob nito. Tanggalin ang mga dahon at sanga na nakadikit sa labas ng tractor. Kung mayroon kang leafblower, maaaring mo itong gamitin upang mas mapabilis ang trabaho.

Maliban dito, maaari ka rin gumamit ng malambot na scrub brush upang tanggalin ang mga nakadikit na dumi sa labas ng tractor. Simulan ang paglilinis sa taas ng tractor papunta sa baba upang hiindi madumihan ang mga parteng nalinis mo na. Kung maraming dumi ang naimbak sa lapag, maaari kang gumamit ng walis para tanggalin ang mga ito.

 

Hugasan Ang Tractor

Bago hugasan ang tractor, importanteng kumonsulta muna sa manufacturer’s manual kung ito ay maaaring gawin. Nakalagay din dito ang mga sabon na inirerekomenda sa paghuhugas.

Maliban dito, tandaan na maging maingat sa paggamit ng tubig upang hindi mabasa ang mga electrical connections ng tractor. Takpan din ang exhaust outlet para mapigilan ang pagpasok ng tubig. Huwag din kalimutan takpan ang alternator o generator. Bago maglinis, siguraduhin na hindi mainit ang engine ng tractor.

Unahin mong alisin ang mga putik sa gulong ng tractor para hindi tumalsik ang mga dumi sa ibang parte habang naglilinis. Maaari kang gumamit ng water hose o pressure washer sa parteng ito. Pagkatapos linisin ang gulong, hugasan ang ibang parte ng tractor gamit ang water hose o basang towel. Kung gagamitin ang pressure washer, maging maingat para hindi masira ang mga sensor, ilaw at pintura ng tractor.

 

Hayaang Matuyo Ang Tractor Bago Ilagay Ang Wax

Hayaang Matuyo Ang Tractor Bago Ilagay Ang Wax

Pagkatapos hugasan ang labas ng tractor, ang susunod na hakbang ay patuyuin ito. Kung ikaw ay nagmamadali, maaari kang gumamit ng malinis na towel para punasan ang tractor. Ang leafblower ay makakatulong din para matanggal ang mga patak ng tubig. Bago gamitin ang makinarya, siguraduhin na tuyo na ang tractor.

Maaari mo rin iparada ang tractor sa labas habang maaraw para matuyo ito ng maigi. Kapag tuyo na ito, maaari kang gumamit ng wax upang maprotektahan ang pintura mula sa mga gasgas. Matutulungan din nito  magmukhang bago ang tractor. Huwag mo kalimutan i-lubricate ang mga joints at bearings para maiwasan ang maagang pagkasira.

 

Linisin Ang Loob Ng Tractor

Kahit na sarado palagi ang cabin, magiging marumi ito kung araw-araw mo ginagamit ang tractor. Maliban sa alikabok, maaari rin maiwan ang mga putik, dahon, at mga dumi na dala mo mula sa labas.

Pagkatapos ang labas ng tractor, maaari mo nang linisin ang loob nito. Gumamit ng basang towel para punasan ang mga dumi at putik na tumalsik sa upuan at iba pang bahagi. Kung gagamit ng cleaning solution, siguraduhin na ginawa ito para sa materyales na lilinisin. Maaari ka rin gumamit ng vacuum para linisin ang sahig at iba pang lugar na mahirap abutin ng towel. Maliban dito, huwag kalimutan hugasan ang mga rubber mats.

 

Key Takeaway

Importante na malaman mo kung paano linisin ang tractor dahil makakatulong ito panatilihin ang iyong makinarya. Bago maglinis, huwag kalimutan na basahin ang manufacturer’s manual para malaman mo ang mga dapat at hindi dapat gawin. Maging maingat sa paglilinis ng loob at labas ng iyong tractor. Takpan ang mga importanteng parte ng makinarya tulad ng electrical connections, alternators, at exhaust. Hayaan na matuyo ang tractor bago ito gamitin muli.

Kung interesado ka bumili ng tractor para sa iyong farm, maaari ka naming matulungan dito sa Ford Tractor. Maliban dito, mayroon din kaming mga attachments at implements na maaari mong gamitin sa iyong tractor. Para panatilihin ang iyong makina sa pinakamahusay na kondisyon, may mga professional technician kami na handang tumulong.