Anu-ano ang mga benepisyo sa paggamit ng Farmtrac tractor para sa land preparation?
- May mahusay itong engine capacity
- Kayang tanggapin ang mga heavy-duty at advanced implements dahil sa mabigat nitong hydraulic lift
- Mas mabilis at matatag gamitin sa lupa dahil sa malalaking gulong nito
- Nagbibigay nang mas maayos na visibility sa operaytor dahil sa malapad nitong upuan
- Mayroon itong fully-loaded advanced features tulad ng powerful steering at dual clutch
Ika nga ng marami, ang magtanim ay hindi biro. Maliban dito ay hindi rin madali ang “land preparation” o ang paghahanda ng lupa upang maging maganda at masustansiya ang iyong pananim sa oras na ito’y iyong anihin. Kaya naman maraming magsasaka ngayon ang gumagamit ng Farmtrac tractor dahil napapabilis nito at nagiging epektibo ang paghahanda ng kanilang lupa nang walang hadlang.
Ngunit, ano-ano nga ba ang mga benepisyo sa paggamit ng Farmtrac tractor? Ito’y ating aalamin sa blog na ito. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.
May Mahusay Itong Engine Capacity
Ang Farmtrac tractor ay nagpapamalas ng 3344 CC engine power kalapit ang 36.9 kW horsepower nito na nagbibigay-lakas upang mas mabilis ang pagpapatakbo ng traktora sa iyong sakahan. Ang mahusay nitong engine capacity ay nangangahulugan ng mas malakas at mas epektibong paggalaw ng traktora.
Bilang resulta, nagiging produktibo ang paghahanda mo ng lupa pati na rin ang iba pang gawaing pang-agrikultura tulad nang pag-aani, pagpapakalat ng mga pataba, at iba pa.
Bukod pa rito, nakakapagbigay din ito nang mas matipid na pagkonsumo ng fuel dahil hindi mo na kailangan pang lakasan masyado ang makina nito para lang magawa mo nang mabilis ang iyong mga gawain.
Kaya kung ikaw ay may Farmtrac tractor o nagbabalak pa lamang bumili, asahan mong mapapagaan nito ang iyong trabaho sa sakahan dahil sa magandang engine capacity nito.
Kayang Tanggapin ang mga Heavy-Duty at Advanced Implements Dahil sa Mabigat Nitong Hydraulic Lift

Hindi rin magpapahuli ang hydraulic lift capacity ng Farmtrac tractor. Ito’y mayroong 1800kg heavy hydraulic lift na kinakailangan ng mga mabibigat na implements upang maikabit sila nang maayos sa traktora.
Ang hydraulic lift system ng traktorang ito ay may kapangyarihang pataasin at pababain ang mga implements nang maayos upang hindi ito magdulot nang pinsala sa lupa.
Narito ang mga implements na ikinakabit sa Farmtrac tractor:
Seeder
Ito’y isang farming implement na ginagamit upang maging pantay ang pagtatanim ng mga buto sa lupa. Ito’y madalas na kinakabit sa likuran ng Farmtrac tractor at mabisang kagamitan sa paglalagay ng mga buto sa maayos na hanay.
Loader
Ito’y isang malaking bucket na nakakabit naman sa harapan ng Farmtrac tractor upang mapadali ang pag-angat at pagbaba ng mga materyales at iba pa. Ang loader ay ginagamit naman sa paglilipat at pagbubuhat ng mga mabibigat na materyales.
Plow
Ito ang ginagamit sa paghuhukay at paghihiwalay ng lupa upang maging handa ang lupa bago ito tuluyang lagyan ng mga pananim. Ito’y mayroong blade na humihiwa at bumabaligtad sa lupa upang mahukay ang mga nutrients na nasa lupa.
Dahil sa hindi matatawarang hydraulic lift ng Farmtrac tractor, ito’y ni-rate ng mga magsasaka bilang pinakamahusay na traktora.
Mas Mabilis at Matatag Gamitin sa Lupa Dahil sa Malalaking Gulong Nito

Ang Farmtrac tractor ay may malalaking gulong na may sukat na 14.9×28. Nakakatulong ito upang mas mapabilis ang pagpapatakbo nito sa iyong sakahan nang hindi gumuguho ang lupa o masira ang mga pananim.
Hindi lamang ‘yan. Mayroon din itong mahusay na traksiyon at stability na makakatulong sa ‘yong magawa ang mga mabibigat na pagtatrabaho sa pagsasaka, tulad ng paghahanda ng lupa, pagtatanim, at iba pa.
Nagbibigay nang Mas Maayos na Visibility sa Operaytor Dahil sa Malapad Nitong Upuan
Ang malapad at mataas na upuan ng Farmtrac tractor ay nagbibigay nang magandang visibility sa operaytor nito. Salamat sa deluxe adjustable feature ng upuan nito, kasama na rin ang Led headlamps na nagbibigay ng malinaw na view sa nagpapatakbo nito kahit gamitin mo ito sa gabi.
Dahil dito, maiiwasan ang tiyansang maaksidente o magkamali ang operaytor sa pagpapatakbo ng makina. Kaya naman ang Farmtrac tractor ay magandang gamitin sa mga gawaing pang-agrikultural dulot nang kaligtasan na hatid nito sa mga magsasaka.
Angkop Gamitin para sa Maliit o Malaking Sakahan
Isa sa mga kalbaryo ng mga magsasaka ay ang pagkakaroon ng malaking hektarya ng lupa ngunit walang sapat na farming equipment. Kaya naman palaging nirerekomenda sa kanila ang paggamit ng Farmtrac tractor upang mapabilis ang paghahanda ng kanilang lupa.
Ang aming Farmtrac tractor ay mayroong iba’t-ibang models. Ang mga ito’y mayroong direct injection engine kung saan ito’y magagamit sa iba’t-ibang uri ng lupa – maliit man o malaki.
Mayroon Itong Fully-Loaded Advanced Features Tulad ng Powerful Steering at Dual Clutch
Panghuli, ang Farmtrac tractor ay mayroong advanced features tulad ng powerful steering at dual clutch na nagbibigay nang maginhawang pagmamaneho para sa mga magsasaka.
Ang powerful steering ay nagbibigay ng mas madaling pagpapatakbo sa Farmtrac tractor pati na rin ang mabilis na steering response sa tuwing ililiko ito.
Sa kabilang banda, ang dual clutch naman nito’y may mabilis at maayos na pagpapalit ng gear. Kung ikukumpara ito sa tradisyonal na traktora, maari kang magpalit ng gear nang hindi kailangang ihinto ang Farmtrac tractor.
Dahil sa mga features na ito, nababawasan ang oras at pagod ng mga magsasaka.
Key Takeaway
Ating napag-usapan ang mga benepisyo sa paggamit ng Farmtrac tractor para sa paghahanda ng lupa. Kung wala pa nito, huwag nang mag-atubiling bumi nilito para sa mas mabilis, mabisa, at masustansiyang lupa na kailangan mo para sa malusog na mga pananim!
Bisitahin mo lamang ang aming product page at tignan ang aming mga Farmtrac tractor models. Maari ring mag-iwan ng mag-iwan ng mensahe sa Ford Tractor Philippines, ang nangungunang farm equipment in the Philippines!
