Anu-ano ang mga dapat mong tanungin pag bumili ka ng isang traktora?
- Anong uri ng traktora ang dapat mong gamitin?
- Ano ang tamang horsepower ng isang traktora?
- Anong uri ng transmission ang kailangan?
- Ano ang timbang at laki ng traktora?
- May sapat ba itong kakayahan sa pag-angat ng mga mabibigat na materyales?
- Anu-ano ang mga attachments na dapat ikabit?
- Kailan dapat i-maintenance ang traktora?
- Ano ang presyo ng traktora?
- Ano ang reputasyon ng supplier ng traktora?
Isa sa mga serbisyong ibinibigay ng aming team sa Ford Tractor Philippines ay ang pag-a-assist sa mga magsasaka patungkol sa mga angkop na kagamitan na dapat nilang gamitin sa kanilang mga gawain. Isa na rito ang pagbibigay-kaalaman sa kanila na tungkol sa traktora.
Kadalasan ay nangyayari ang aming pag-a-assist kapag bumibisita sila sa aming store upang kilatisin ang aming mga high-quality at murang agricultural equipment. Kaya naman, aming isusulat rito ang mga dapat mong tanungin pag bumili ka ng traktora upang magkaroon ka ng sapat na ideya bago ka tuluyang magdesisyon na bumili. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.
Anong Uri ng Traktora ang Dapat Mong Gamitin?
Ang uri ng traktora na iyong kailangan ay nakadepende sa iyong paggagamitan. Halimbawa, kung ikaw ay may malaking sakahan, mas mainam na bumili ka ng traktora na pang-agrikultura dahil ang mga specifications nito ay iyong mapapakinabangan sa tuwing ikaw ay magtatanim, maghahanda ng lupa, at mag-aani ng iyong mga pananim.
Higit pa rito, ang kalidad nito ay kayang palitan ang mano-manong gawain mo sa pagsasaka. Imbes na kumuha ka ng iba pang tao o gumamit ng mga hayop tulad ng kalabaw, kayang-kayang gawin ng isang traktora ang lahat ng mga gawain ng ikaw lamang ang nagpapatakbo rito.
Ano ang Tamang Horsepower ng Isang Traktora?
Iba-iba ang horsepower ng bawat traktora at ang pagpili nito ay nakadepende sa sukat ng iyong sakahan. Ang mga traktora na mayroong 25-35 horsepower ay kaya ka nang tulungan sa iyong pagsasaka lalo na kung kakabitan mo ito ng mga implements tulad ng front-end loader at backhoe.
Kung pag-uusapan naman ang tamang horsepower na kayang gawin lahat ng iyong mga gawain, mainam na pillin mo ang traktora na mayroong 60-90 horsepower. Mayroon itong lakas na kayang gawing stable ang kondisyon ng traktora lalo na sa mga mahihirap na trabaho tulad nang pagtatanim, pag-aayos ng lupa, pagtatanggal ng mga weeds o damo, paghahanda ng lupa, pagtatanim ng mga buto, at pag-aani ng mga pananim. Idagdag na rin dito ang kakayahan nitong magpakabit ng mas mabibigat at malalaking implements.
Anong Uri ng Transmission ang Kailangan?
May iba’t-ibang uri ng transmission sa traktora tulad ng manual, automatic, hydrostatic, at shuttle shift. Ang mga ito’y nagta-transmit ng power sa engine hanggang sa unti-unting gumalaw ang traktora at magamit mo sa iyong sakahan.
Ano ang Timbang at Laki ng Traktora?
Ang timbang at laki ng traktora ay iba-iba dahil sa iba’t-ibang modelo nito, dahilan nang paggagamitan, at nakabase rin ang tamang timbang at laki ng traktorang iyong gagamitin depende sa laki o liit ng iyong sakahan.
Pinapayuhan namin ang marami na ‘wag bumili ng maliit kung malaki ang kanilang lupa at huwag gumamit ng malaki kung katamtaman lamang ang sukat ng kanilang lupain.
May Sapat Ba itong Kakayahan sa Pag-angat ng mga Mabibigat na Materyales?
Isa sa mga rason kung bakit maraming magsasaka ang gumagamit ng traktora ay dahil kaya nitong buhatin ang mga mabibigat na materyales na ginagamit sa pagsasaka. Ang paggamit nito’y nakakaiwas sa anumang aksidente na maaring mangyari kung sila mismo ang magbubuhat ng mga gamit.
Upang malaman kung may sapat bang kakayahan ang isang traktora sa pag-angat ng mga mabibigat na materyales, alamin mo ang kanilang horsepower at doon mo matitiyak kung kaya nito o hindi.
Anu-Ano ang mga Attachments na Dapat Ikabit?
Hindi lahat ng mga implements ay kayang ikabit sa lahat ng modelo ng traktora. Ito’y dahil may kaniya-kaniyang bigat at sukat din ang mga implements at kung ikakabit sila basta-basta sa isang traktora na walang sapat na lakas na tanggapin ang bigat ng mga ito, maaring masira ito o maapektuhan ang iyong mga gawain.
Sa Ford Tractor Philippines, ang aming mga modelo ng traktora ay kayang-kayang i-accommodate ang mga implements na iyong kailangan upang mas mapabilis ang iyong pagsasaka. Ito’y dahil ang aming mga traktora ay gawa sa moderno at may kalidad na mga materyales.
Kailan Dapat I-Maintenance ang Traktora?
Aming pinapayuhan ang aming mga customers na panatilihin ang regular na pagme-maintenance ng traktora upang magamit nila ito nang pang-matagalan at makatulong na rin sa paghahanap-buhay nila bilang mga magsasaka.
Ano ang Presyo ng Traktora?
Siguruhing alam mo ang presyo ng traktora na iyong bibilhin, kasama na rito ang financial charges at iba pang fees at ‘wag mag-atubiling alamin ang lahat ng presyo nito upang maikumpara mo at makapili ng murang traktora na kayang tugunan ang mga pangangailangan mo para sa iyong pagsasaka.
Ano ang Reputasyon ng Supplier ng Traktora?
Ang huli at dapat mong itanong kung binabalak mong bumili ng traktora ay ang pag-alam sa reputasyon ng supplier na iyong kausap.
Umpisahan mong alamin ito sa pagbabasa ng mga customer reviews nila online, pagtatanong sa mga kakilala mo na minsan nang bumili sa kanila, at pagche-check kung maayos ba ang kanilang customer service support team upang makasiguro kang magiging maayos ang transaksyon mo sa kanila.
Key Takeaway
Ngayon ay nalaman mo na ang mga dapat mong tanungin pag bumili ka ng traktora. Sana’y nakatulong ang Ford Tractor Philippines team sa pagpapadali ng iyong desisyon na tuluyang bumili ng traktora upang mas gumaan, bumilis, at maging maayos ang iyong mga pang-agrikulturang gawain.
Kung ikaw ay naghahanap ng kilalang supplier ng traktora sa Pilipinas, dito ka na sa Ford Tractor Philippines! Marami kaming mga modelo ng traktora at kumpletong implements na gawa sa mga kalidad na materyales sa maasahang presyo!
Maari kang mag-iwan ng mensahe rito. Handa na ang Ford Tractor Philippines na tulungan ka sa iyong matagumpay na pagsasaka!