< Back to Blogs

Paano I Maintain Ang Rice Transplanter?

Paano I Maintain Ang Rice Transplanter?

Paano i maintain ang rice transplanter?

  1. Suriin ang transplanter bago gamitin
  2. Inspeksyunin ang transplanter pagkatapos gamitin
  3. Siyasatin ang transplanter during off-season
  4. Palitan ang engine oil
  5. Palitan ang mga filters
  6. Sundin ang operator’s manual

 

Ang rice transplanter sa Philippines ay isang kapakipakinabang na makinarya tuwing panahon ng pagtatanim. Nakakapagtanim ito ng hilera ng mga rice seeds sa pamamagitan lamang ng pagtutulak o pagmamaneho ng makinarya kaya nababawasan ang pagkapagod ng mga magsasaka. Maliban dito, kaya rin nito magtanim ng pantay pantay para i-maximize ang lupain at dagdagan ang ani. Dahil sa mga benepisyong ito, kailangan mo malaman kung paano i maintain ang rice transplanter. Ipagpatuloy ang pagbabasa!

 

Suriin Ang Transplanter Bago Gamitin

Maglaan ng oras bago ang pagtatanim upang suriin ang iyong rice transplanter. Makakatulong ito maiwasan ang mga aksidente at masigurado na nasa tamang kundisyon ang iyong makinarya bago mo ito gamitin. Kung napansin mo na may kakaiba o sira sa isang parte ng transplanter, magandang ideya na ayusin o palitan mo muna ang parteng ito.

Maliban dito, huwag mong kalimutan tignan ang driver’s seat. Habang nakaupo, i-test ang brake pedal at steering wheel kung gumagana. Pagkatapos paandarin ang engine, maging alerto sa mga kakaibang tunog na maaring manggaling dito. Tignan kung normal ang kulay ng exhaust gas, kung gumagana ang mga ilaw, at naigagalaw ang mga levers. Dahan dahan na simulan ang trabaho habang ginagamit mo ang brake, levers, at pedal.

 

Inspeksyunin Ang Transplanter Pagkatapos Gamitin

Inspeksyunin Ang Transplanter Pagkatapos Gamitin

Upang patuloy mong maranasan ang mga benepisyo na dala ng rice transplanter, importante na maglaan ka ng oras para sa inspeksyon pagkatapos ito gamitin at bago itabi. Sa ganitong paraan, mapapanatili mong malinis at maayos ang mga parte ng makinarya.

Pagkatapos ng isang araw ng trabaho, magandang ideya na hugasan muna ang rice transplanter bago itabi. Iwasan mo na mabasa ang engine at electrical components upang hindi ito masira. Linisin ang mga dumi at maglagay ng lubricating oil sa mga parteng kailangan nito.

 

Siyasatin Ang Transplanter During Off-Season

Pagkatapos ng panahon ng pagtatanim, maaaring kailanganin mo munang itabi ang rice transplanter. Kung malayo ang agwat sa susunod na pagkakataon bago mo ito gamitin, importante na nasa tamang kundisyon ang makinarya bago mo ito itabi. Mahalaga ang maintenance tuwing off-season para mapakinabangan mo ang transplanter sa panahon ng pagtatanim.

Pagkatapos ng inspection at maintenance, ang susunod mong dapat gawin ay ihanda ang rice transplanter para sa storage. Pumili ng lugar na may magandang ventilation at  malayo sa direct sunlght at tubig. Tanggalin ang battery at punuin ang fuel tank. Wag kalimutan na maglagay ng lubricating oil sa mga parteng madali kalawangin.

 

Palitan Ang Engine Oil

Para mapanatili ang iyong rice transplanter sa magadang kundisyon, kailangan mo rin inspeksyunin ang engine oil palagi. Ang timing ng replacement ay depende sa reccomendation ng manufacturer ng iyong transplanter, pero pangkaraniwan na ginagawa ito pagkatapos mo gamitin ng ilang linggo ang makinarya.

Upang palitan ang engine oil, tanggalin ang takip ng engine. Maglagay ng container sa ilalim ng drain plug bago tanggalin ang cap at palabasin ang oil. Ibalik ang drain plug bago ka mag refill ng oil sa filler port. Siguraduhin na sarado ang lalagyan bago mo ibalik ang takip ng engine.

 

Palitan Ang Filters

Palitan Ang Filters

Tulad ng sasakyan, may mga filter sa iyong transplanter na pumipigil sa mga dumi at iba pang contaminants sa pagpasok sa iyong makinarya. Kabilang na rito ang fuel filter at engine oil filter. Habang ginagamit mo ang iyong transplanter, unti – unting dudumi ang mga parteng ito. Dahil dito, kailangan mo sila linisin o palitan palagi.

Ang fuel filter ay nagtatanggal ng tubig at contaminants sa oil. Maaari mo itong linisin o palitan. Para naman sa engine oil filter, ang ibang rice transplanter ay gumagamit ng cartridge-type na hindi ginawa para linisin. Sa halip, pinapalitan ito tuwing pinapalitan mo ang engine oil. Para sa iba pang filter na kailagnan palitan, kumonsulta sa iyong operator’s manual.

 

Sundin Ang Operator’s Manual

Kung interesado ka malaman ang kumpletong instruksiyon para mapanatili ang iyong rice transplanter, konsultahin ang operator’s manual para sa iyong makinarya. Importante ito dahil iba-iba ang paraan para sa maintenance depende sa manufacturer at model ng iyong makinarya.

Nakalagay sa operator’s manual ang recommended inspection at maintenance intervals para magka-ideya ka kung kailan mo kailangan palitan at ayusin ang mga parte ng iyong transplanter. Kabilang na rito ang fuel tank, engine oil, transmission case, rear axle case, planting arm, filters, water separators, battery, at marami pang iba. Nakalagay din ang tamang paraan kung paano gumawa ng inspeksyon at mag maintain ng mga parteng ito.

Sundin ang mga reccomendation sa iyong operator’s manual upang mapanatili sa pinakamagandang kundisyon ang iyong transplanter.

 

Key Takeaway

Ang rice transplanter ay isang kapakipakinabang na gamit para sa mga magsasaka. Pero katulad ng ibang makinarya tulad ng tractor at harvesting machine, kailangan din nito ng sapat na pag-alaga upang mapanatili mo ito sa magandang kundisyon bago dumating ang panahon ng pagtatanim.

Kung interesado ka sa iba pang paraan kung paano i maintain ang rice transplanter, maaari mo kaming padalhan ng mensahe rito sa Ford Tractor! Bilang supplier ng maaasahan at matibay na agricultural machinery, maaari ka naming matulungan. Maliban sa rice transplanter, supplier din kami ng tractor, harvesting machines, at marami pang iba.