< Back to Blogs

Paano Magmaneho Ng Tractor

Paano Magmaneho Ng Tractor

Paano magmaneho ng tractor?

  1. Sumailalim sa training
  2. Magsagawa ng inspeksyon
  3. Magsuot ng tamang pananamit
  4. Umakyat sa tractor
  5. Paandarin ang makina
  6. Magmaneho ng tractor
  7. Maging alerto sa paligid

 

Maraming farm ang gumagamit ng tractor dahil sa mga benepisyo na naibibigay nito. Maaari kang maglagay ng attachments at implements tulad ng backhoe, dozer, planter harvester at marami pang iba. Makakatulong ito mapabilis ang trabaho sa iyong sakahan, pagandahin ang kalidad at dami ng ani, at bawasan ang pagod ng mga magsasaka. Dahil dito, maaaring ikaw ay nakabili na ng tractor o nagbabalak pa magkaroon nito. Ipagpatuloy ang pagbabasa kung nais mo malaman paano magmaneho ng tractor.

 

Sumailalim Sa Training

Bago ka magmaneho ng tractor, siguraduhin na sumailalim muna sa training. Maliban sa mga teknikal na konsepto tulad ng pagpapaandar ng makina o paggamit ng mga kontrol sa tractor, kailangan na mayroon kang sapat na kaalaman sa mga bagay na nauugnay sa iyong kaligtasan. Halimbawa, maaaring tumaob ang tractor kung di ka maingat.

Maliban sa training, maiging basahin din ang manufacturer’s manual na binigay sa iyo ng iyong supplier. Nakalagay dito ang mga gabay sa pagmamaneho ng tractor.

 

Magsagawa Ng Inspeksyon

Magsagawa Ng Inspeksyon

Bago ka sumakay sa tractor, maglaan ng oras sa inspeksyon kada araw. Sa ganitong paraan, makikita mo kung may mga bagay ka na dapat ayusin—tulad ng maluwag na bolts, nuts, at iba pa. Kung may mga sira kang nakita, tumawag sa customer service hotline ng iyong supplier para matulungan ka ng isang technician.

Ito ang mga ilan sa mga bagay na dapat mong tignan bago magmaneho ng tractor:

  • Gulong: Kailangan ba itong lagyan ng hangin? May butas ba o ibang sira ang gulong?
  • Cooling system, radiator, at battery: Nasa tamang lebel ba ang mga ito? Kailangan ba lagyan ng coolant? May mga pinsala ba na maaaring mag sanhi ng overheating?
  • Fuel: Kailangan ba kargahan ng fuel ang tractor?

 

Magsuot Ng Tamang Pananamit

Maraming magsasaka at operator ang sanay na gumamit ng tractor habang suot ang pambahay na damit. Ngunit ang maling pananamit ay maaaring mag-sanhi ng aksidente. Halimbawa, maaaring sumabit ang damit mo sa makinarya.

Dahil dito, huwag magsuot ng maluwag na damit. Tanggalin ang mga alahas na maaring sumabit o maipit sa makinarya. Kung mahaba ang iyong buhok, itali ito ng maayos. Magsuot din ng safety boots na mahigpit ang kapit sa lapag upang hindi madulas.

 

Umakyat Sa Tractor

Umakyat Sa Tractor

Ang mga tractor ay mayroong access steps na magsisilbing hagdan upang makaakyat ka sa tractor. Humawak sa mga handholds upang hindi madulas o mahulog. Huwag na huwag umakyat sa gumagalaw na tractor.

Pagkatapos nito, maaari mong ayusin ang upuan para komportable kang makapagmaneho. Huwag kalimutan isuot ang seatbelt. Pipigilan nito ang iyong pagtalsik palabas ng cabin sa isang aksidente.

Habang nakaupo, maaari mo rin punasan ang bintana at salamin upang masiguradong malinaw ang iyong tanawin.

 

Paandarin Ang Makina

Ang susunod na hakbang ay ang pagpapaandar ng makina. Bago mo ito gawin, siguraduhin na ang transmission ay nasa “neutral” o “park”. Ilagay rin ang mga hydraulic controls sa neutral at i-disengage ang power take off (PTO).

Susunod, apakan ang clutch pedal gamit and iyong kaliwang paa at ang brake pedal gamit ang kanan. Pagkatapos, ikutin ang susi sa ignition hanggang sa umandar ang makina. Painitin muna ang makina bago mo ka magmaneho. Para sa eksaktong instruksiyon sa pagpapaandar ng makina, tignan ang iyong manufacturer’s manual.

 

Magmaneho Ng Tractor

Magmaneho Ng Tractor

Kung nais mo na magmaneho, maaari mong i-release ang parking brake ng tractor. Habang nasa clutch ang iyong paa, ilagay ang transmission sa first gear. Dahan-dahan alisin ang paa sa clutch at isunod tanggalin ang kabilang paa sa brake pedal. Unti-unting aandar ang tractor.

Kung gusto mo huminto, apakan ang clutch at ilagay sa neutral ang transmission. Pagkatapos, gamitin ang parking brake.

Kung ikaw ay nag-aaral pa lamang magmaneho ng tractor, mag-doble ingat sa pagpapatakbo nito. Huwag kalimutan tignan ang manual sa mga hindi dapat at dapat gawin.

 

Maging Alerto Sa Paligid

Maliban sa pagmamaheno, ang isang magaling na tractor operator ay marunong din kumilatis ng paligid. Sa sakahan, maaaring makatagpo ka ng mga maburol at matarik  na daanan. Kung pipilitin mong magmaneho pataas, may panganib na bumaliktad ang tractor.

Maging alerto sa direksyon kung saan ka nagmamaneho. Siguraduhing walang tao o hayop sa paligid ng tractor. Maaari mong gamitin ang horn para balaan ang ibang tao na ikaw ay magsisimula nang magmaneho. Mag-ingat sa mga kanal at mga dike. Iwasan rin ang mga linya ng kuryente.

 

Key Takeaway

Kung nais mo malaman paano magmaneho ng tractor, magandang ideya ang sumailalim sa training. Basahin din ng maigi ang manufacturer’s manual para sa kumpletong instruksyon na makakatulong sa iyo. Maliban dito, parating mag doble ingat lalo na kung nagsisimula ka pa lang matuto magmaneho ng makinarya.

Kung interesado ka bumili ng tractor, maaari mo kaming padalhan ng mensahe rito sa Ford Tractor! Tutulungan ka namin pumili ng tamang makinarya base sa iyong mga pangangailangan. Maliban diyan, mayroon din kaming planters, harvesters, at mga truck na maaaring maging kapakipakinabang sa iyong sakahan.

Maaari niyong ipadala ang inyong mga tanong dito.