Paano nakakatulong ang TYM sa paglago ng pagsasaka?
- Gumagawa ng mga high-quality na transplanters at precision seeder na madaling gamitin
- Maaaring gamitin ang mga Transplanters at Precision Seeder sa anumang panahon
- Tinutulungan ang mga magsasaka na maging produktibo sa kanilang mga gawain
- Tumutulong na makabawas sa gastos ng mga magsasaka sa pagtatanim
Ang TYM ay kilalang Korean brand sa buong mundo na gumagawa ng mga world-class quality planting machines gaya ng rice transplanters at precision seeder mula 1973. Sa pamamagitan ng kanilang mga de kalidad na farming equipment, nagiging tulay ito upang maging matagumpay ang trabaho ng mga magsasaka.
Ang mga rice transplanter at precision seeder ng TYM ay subok na ng maraming Pilipinong magsasaka. Ito’y epektibong kagamitan sa kanilang pang-araw-araw na gawain sa kani-kanilang mga bukid, kung saan nagkakaroon din ito ng magandang epekto sa ating agrikultura. Ngunit, paano nga ba nakakatulong ang TYM sa paglago ng pagsasaka? Magpatuloy lamang sa pagbabasa at alamin ang mga kasagutan patungkol dito.
Gumagawa ng mga High-Quality na Transplanters at Precision Seeder na Madaling Gamitin
Ang mga transplanters na gawa ng TYM ay may kakayahang magtanim ng anim hanggang walong rows. Ito’y dahil dinesenyo at ginawa ito sa pinakamahusay na paraan gamit ang advanced technology.
Mayroon din silang TYM Precision Seeder na nakakatulong naman upang magkaroon ng kontrol ang mga magsasaka sa lalim, espasyo, at bilang ng kanilang mga binhing itatanim. Bilang resulta, nakakaiwas sila sa labis-labis na oras ng pagtatanim na maaaring magdulot sa kanila ng pagod o sakit.
Ang planting machine ng TYM ay de kalidad din, kung kaya’t hindi lamang nagiging mabilis ang proseso ng mga magsasaka sa pagtatanim, kundi nagiging maayos ang paglaki ng mga pananim at nakakasigurong may sapat itong nutrisyon.
Ang Ford Tractor ay ang exclusive distributor ng TYM Transplanter at Precision Seeder sa Pilipinas. Narito ang mga magagandang TYM models at kanilang features na makakatulong para sa mga magsasaka:
Walk Behind Rice Transplanter | Riding Type Rice Transplanter | Riding Type Rice Precision Seeder | |
Model |
PF48 |
PD60D |
TDS80 |
Displacement |
171 cc |
904 cc |
904 cc |
Rated Power/Speed |
4.0 / 3200 kW/rpm |
18/3200 kW/rpm |
18/3200 kW/rpm |
Planting Rows |
4 |
6 |
8 |
Row Spacing |
300 mm |
300 mm |
300 mm |
Effective Working Width |
1200 m |
1800 m |
2400 m |
Planting Capacity |
0.28 ha/h |
0.75 ha/h |
0.55 ha/h |
Fuel Consumption |
0.75 L/h |
3 L/h |
1.5 L/h |
Maaaring Gamitin ang mga Transplanters at Precision Seeder sa Anumang Panahon
Ang mga TYM transplanters ay maaaring gamitin sa iba’t-ibang panahon: tag-ulan, tag-araw, o tag-lamig. Ibig sabihin, kayang-kaya nitong makipagsabayan sa anumang panahon. Ngunit, mabuti pa ring gamitin ito nang may pag-iingat lalo na at ang bawat modelo nito ay may iba’t-ibang kakayahan at limitasyon. Mainam na basahin ang operator manual o magtanong sa iyong distributor kung ano ang mga dapat tandaan sa paggamit ng TYM transplanter lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Ito’y makakatulong upang mas maging epektibo ang iyong pananim – tuyo man o basa ang kondisyon ng iyong lupa at upang hindi maapektuhan ang kondisyon ng iyong mga pananim.
Tinutulungan ang mga Magsasaka na Maging Produktibo sa Kanilang mga Gawain
Para sa mga magsasaka na gusto nang direktang pagtatanim ng mga binhi sa kanilang lupa, mainam na kanilang gamitin ang TYM Precision Seeder. Maaari nila itong gamitin sa anumang paraan.
Nakakatulong ito upang makaiwas ka sa mano-manong gawain. Ito lamang at ikaw bilang operator ang kinakailangan upang makapagtanim ka hanggang sa tatlong ekterya ng iyong lupa sa loob lang ng isang araw.
Ito ay nakatutulong din upang makatipid ka sa gastos at makasigurong malaki ang iyong produksiyon ng ani at iyong kita. Kung kaya’t dapat mo itong alagaan nang maayos upang ito’y mas lalong tumagal.
Narito ang iba pang kagandahan sa paggamit ng TYM transplanters:
- Mabilis na operasyon: Ang mga transplanters ng TYM ay may kakayahan na magtanim ng hanggang sa 8 hanay ng mga binhi nang sabay-sabay. Ito’y nagreresulta sa mas mabilis na pagtatanim at mas mataas na produksyon ng mga binhi.
- Magaan at madaling kontrol: Ang mga TYM transplanters ay mayroong ergonomic controls na madaling ma-access mula sa isang komportable at malawak nitong cabin. Ito ay nagbibigay-ginhawa sa mga magsasaka habang nasa nagtatanim upang mapabilis ang kanilang mga gawain.
Sa pamamagitan ng mga transplanters ng TYM, nagiging mas marami at matagumpay ang mga ani ng mga magsasaka, na nagbibigay sa kanila ng mas malaking kita.
Tumutulong na Makabawas sa Gastos ng mga Magsasaka sa Pagtatanim
Sa modernong farming equipment na ito, nagiging tulay ito upang makatulong sa mga gawain nila sa pagtatanim. Dahil dito, nababawasan ang gastos ng mga magsasaka mula sa labor cost.
Kami rito sa Ford Tractor Philippines ay maaari mong maging kaagapay sa iyong pagtatanim. Bilang exclusive distributor ng TYM planting machines sa bansa, kami ang iyong partner upang mapagaan ang iyong pagtatanim. Ang makinaryang ito ay kayang-kaya magtanim ng hile-hilerang mga binhi sa malinis, maayos, at pantay-pantay na paraan.
Sa ganitong paraan, maaari mong ma-maximize ang iyong produktibidad sa pagsasaka. Maliban pa rito, makakasiguro ka rin na ang iyong gagastusin ay magbabalik sa ‘yo ng mataas na return of investment, sapagkat mas malaki ang tiyansang makapag-ani ka ng mas maraming pananim gamit ang makinaryang ito.
Key Takeaway
Ating napag-usapan kung paano nakakatulong ang TYM sa paglago ng pagsasaka. Sa pamamagitan nito, nagbibigay ito nang mabilis, tiyak, at magandang solusyon para sa mga gawaing-pagsasaka.
Ang Ford Tractor Philippines ay distributor ng mga farming equipment sa Pilipinas. Makakaasa ka na ang aming mga produkto ay galing sa mga kilalang brands tulad ng TYM. Para sa iba pang katanungan tungkol sa aming mga produkto o serbisyo, mag-iwan lamang ng mensahe sa amin dito.