< Back to Blogs

7 Safety Tips Habang Gumagamit Ng Farm Equipment

7 Safety Tips Habang Gumagamit Ng Farm Equipment

Ano ang mga safety tips habang gumagamit ng farm equipment?

  1. Palaging inspeksyunin ang makinarya bago gamitin
  2. Gamitin lamang ang makinarya sa open area
  3. Iisang tao lamang ang dapat sumakay sa makinarya
  4. Siguraduhin na walang tao at hayop sa paligid
  5. Panatilihin ang pokus sa iyong ginagawa
  6. Dahan-dahan lamang ang pagpapatakbo
  7. Patayin ang makinarya bago i-refill ang fuel

 

Ang agricultural machinery ay nagpapadali ng trabaho para sa mga magsasaka, ngunit, kailangan din ng disiplina at pokus sa paggamit nito. Maaaring magkaroon ng mga aksidente kung ang makinarya ay hindi napapanatili ng maayos, o kaya naman ay wala sa pokus ang mga operators. Kung interesado ka malaman ang mga safety tips habang gumagamit ng farm equipment, ipagpatuloy lamang ang pagbabasa.

 

Palaging Inspeksyunin Ang Makinarya Bago Gamitin

Bago mo gamitin ang anumang farm equipment — maging tractor, rice transplanter, o harvester man ito — maiging inspeksyunin muna ito para sa mga sira at iba pang problema. Sa pamamagitan nito, maiiwasan mo ang mga aksidente na maaring magdulot ng injury o pagpapaospital.

Kung may nakita kang mga problema sa iyong makinarya, tumawag ka ng technician na marunong mag repair ng mga sira. Ipagpaliban na lang muna ang trabaho o gumamit ka ng ibang equipment na nasa magandang kondisyon. Para malaman kung paano inspeksyunin ang iyong makinarya, basahin ang operator’s manual na kasama nito.

 

Gamitin Lamang Ang Makinarya Sa Open Area

Gamitin Lamang Ang Makinarya Sa Open Area 2

Kadalasan, ang mga farm equipment ay naglalabas ng carbon monoxide. Dahil dito, hindi inirerekomenada na magpaandar ng makinarya sa loob ng saradong garahe o iba pang closed area. Maaari itong maging dahilan ng sakit sa ulo, pagkahilo, pagsusuka, at panghihina.

Siguraduhin na paandarin lamang ang iyong farm equipment sa isang well-ventilated area na may mga bukas na pinto at bintana. Para mapigilan ang carbon monoxide leaks, tiyakin na maayos ang exhaust system ng iyong makinarya.

 

Iisang Tao Lamang Ang Dapat Sumakay Sa Makinarya

Karamihan sa mga agricultural machinery ay ginawa lamang para sakyan ng isang tao. Mayroon lamang itong isang upuan at isang seatbelt, kaya ang mga extra riders ay maaaring tumalsik o magtamo ng injury sa isang aksidente. Ang rule na ito ay mahigpit na ipatupad, maliban na lang kung may mga dagdag na upuan at seatbelt na magagamit.

Maliban dito, huwag hayaan na may sumakay sa mga implements o attachments na nakakabit sa farm equipment. Huwag kakalimutan na suotin ang mga safety belt kung magmamaneho ng makinarya. Iwasan din ang mga maluluwag na damit na maaaring maipit sa equipment.

 

Siguraduhin Na Walang Tao at Hayop Sa Paligid

Siguraduhin Na Walang Tao at Hayop Sa Paligid 2

Suriin maigi ang paligid kung saan mo ginagamit ang farm equipment. Siguraduhin na malayo ka sa mga tao at hayop upang maiwasan ang salpukan. Maaaring magtamo ng sugat ang mga bystanders na nanunuod lamang dahil sa mga pagtalsik ng mga debris o ng equipment. Kadalasan, hindi sila nakasuot ng tamang protective wear para makaiwas sa injuries.

Kung may ibang tao man sa iyong work area, siguraduhin na kailangan sila sa trabaho. Kahit na hindi ginagamit, wag hahayaan ang ibang tao, lalo na ang mga bata, na umakyat sa farm equipment.

 

Panatilihin Ang Pokus Sa Iyong Ginagawa

Kung matagal ka nang gumagamit ng farm equipment, maaaring nakasanayan mo na ito. Dahil paulit-ulit ang trabaho, mas madali mawala ang iyong pokus at atensyon sa iyong ginagawa. Sa ganitong sitwasyon, maaari kang mabangga, maipit sa makinarya, at iba pa.

Para hindi maapektuhan ang iyong pokus, magpahinga nang maayos bago magtrabaho. Inirerekomenda ang pito hanggang siyam na oras ng tulog kada gabi. Kung pagod ka na sa gawain sa farm, maglaan ng oras para sa break. Iwasan ang pag-inom ng alak dahil makakaapekto ito sa iyong operasyon ng makinarya.

 

Dahan-dahan Lamang Ang Pagpapatakbo

Dahan-dahan Lamang Ang Pagpapatakbo 2

Kung marami kang dapat tapusin sa iyong farm, maaaring magmadali ka sa iyong mga gawain. Ngunit karamihan ng mga aksidente sa mga agricultural machinery ay nangyayari dahil sa labis na pagmamadali.

Tuwing magpapatakbo ng farm equipment, magmaneho ng naaayon sa iyong gawain, lupain na dinadaanan, at uri ng makinarya na iyong ginagamit.  Halimbawa, kung mabilis ka magmaneho ng tractor sa mga maburol at lubak na daan, maaaring tumaob ang makinarya. Umiwas sa mga daanan na matarik o may kanal.

 

Patayin Ang Makinarya Bago I-Refill Ang Fuel

Bago ka magrefill ng fuel sa iyong makinarya, siguruhing nakapatay ito. Kung ang fuel tank ay nasa bahagi ng equipment na madaling mainit, hintayin na mawala muna ang init bago ka mag refuel. Huwag magmadali para hindi matapon ang fuel at aksidenteng mag-apoy kung madikit ito sa mainit na parte ng makinarya. Linisin ang mga tumulong likido bago gamitin ang equipment.

Paalala, huwag mag lagay ng fuel kung may nakasinding sigarilyo o anumang bagay sa paligid dahil maaari itong magsimula ng sunog.

 

Key Takeaway

Kung kailangan mo pa ng ibang safety tips habang gumagamit ng farm equipment, maaari mo kaming padalhan ng mensahe dito.

Bilang supplier ng agricultural tractors, planting machines, harvesting machines, tractor attachments, trucks, at heavy equipment, maaari ka naming matulungan sa tamang paggamit ng iyong bagong bili na makinarya mula sa Ford Tractor. Kung kailangan mo ng spare parts at tulong ng professional technicians upang panatilihin sa kundisyon ang iyong makinarya, maaari kang pumunta sa aming mga branches o tumawag sa aming hotlines.