< Back to Blogs

3 Uri Ng Tractor Accidents At Paano Ito Maiwasan

3 Uri Ng Tractor Accidents At Paano Ito Maiwasan

Ano ang mga uri ng tractor accidents na maaari mong maiwasan?

  1. Paggulong ng tractor
  2. Banggaan sa farm at public roads
  3. Pinsala na sanhi ng attachment

 

Ang tractor ay isa sa mga pinakaimportanteng agricultural machinery para sa mga sakahan. Malaki ang tulong nito upang mas mapadali at mapabilis ang mga trabaho tulad ng pag-aararo, pagsusuyod, pagbubungkal, pagtatanim, pagaani, at marami pang iba. Ngunit tulad ng ibang kagamitan na pang agrikultura, kailangan ng sapat ng pag-unawa at pag-sasanay bago magamit ang isang tractor. Ang maling paggamit nito ay maaring humantong sa iba’t – ibang uri ng tractor accidents.

Ang mga aksidente ay puwede maging dahilan ng pinsala sa mga tao, hayop, at kagamitan sa iyong sakahan. Dahil dito, importante na may sapat na training ang operator ng mga tractor. Dapat din nila maintindihan ang nilalaman ng operator’s manual.

Maliban rito, mahalaga rin na mapanatili ang tractor sa magandang kundisyon sa pamamagitan ng scheduled maintenance services. Inspeksyunin ang iyong equipment bago ito gamitin para masiguradong wala itong problema. Ipatuloy ang pagbabasa para malaman ang mga uri ng tractor accidents.

 

Paggulong O Pagtaob Ng Tractor

Paggulong o Pagtaob ng Tractor 3

Kapag ang tractor ay aksidenteng gumulong o tumaob, mataas ang panganib na magtamo ng sugat o pinsala sa katawan ang operator o mga tao sa paligid. Puwede itong maging sanhi ng injury at mga malalim na sugat. Maliban rito, maaari rin magkaroon ng electrocution o sunog.

Maraming dahilan kung bakit maaaring gumulong ang iyong tractor. Ang mga slopes or incline sa daanan ay puwedeng mag sanhi ng aksidente, kung kaya dapat kang maging alerto sa pagmamaneho. Delikado rin ang biglaang pagliko o pagpapabilis ng pagpapatakbo — lalo na sa mga matarik na daanan.

Maliban dito, ang isang tractor ay may mataas na center ng gravity kumpara sa mga ordinaryong sasakyan. Dahil “top-heavy” ang makinaryang ito, may risk ng pagtaob kung hindi ito gagamitin ng tama.

Para maiwasan ang aksidenteng paggulong o pagtaob ng tractor, bawasan ang bilis tuwing liliko. Iwasan ang mga butas, kanal, at daanang sobrang matatarik. Huwag magsama ng ibang pasahero habang ginagamit mo ang tractor.

Kung may hinihilang mabigat na kargada, patakbuhin ang equipment sa tamang bilis. Iwasan ang biglaang paghinto, pag accelerate, o pag liko. Siguraduhin din na laging suot ang seatbelt dahil makakatulong ito mapapaba ang panganib ng injury kapag gumulong ang tractor.

 

Banggaan

Ang tractors ay dinisenyo para sa off-road applications, tulad ng iyong sakahan. Hindi ito ginawa para gamitin sa mga sementadong daanan, kung saan maaaring bumagal ang pagpapatakbo nito at mahirapan kang makontrol ito ng maayos. Dahil mas dumarami na ang mga sasakyan sa mga rural na daanan, may panganib na magkaroon ng banggaan kung saan kasali ang iyong tractor.

Maliban rito, maaari rin mangyari ang banggaan sa iyong farm at magsanhi ng injury sa operator, ibang trabahador, at iyong mga kagamitan. Para maiwasan ito, tandaan ang mga susunod na safety precautions:

  • Huwag hayaan ang kahit sino na tumayo sa gitna ng tractor at attachment.
  • Inspeksyunin ang paligid ng tractor bago ito paandarin.
  • Siguraduhing malayo ang distansya ng ibang trabahador sa tractor habang ito ay ginagamit sa iyong farm — kahit na tumutulong sila gabayan ang iyong pagmamaneho.
  • Tanggalin ang mga balakid sa iyong farm — tulad ng mga bato, kahoy, matataas na damo, at iba pang makinarya.
  • Huwag payagan na sumakay ang iba pang tao sa tractor maliban sa operator.
  • Balaan ang mga tao sa paligid tuwing papaandarin mo na ang tractor.
  • Panatilihin ang clear line of sight habang nagmamaneho.
  • Bagalan ang pagmamaneho sa mga daanan na may balakid.
  • Siguraduhing nasa magandang kundisyon ang clutch at brakes ng tractor.

 

Pinsala Na Sanhi Ng Attachment

Pinsala Na Sanhi Ng Attachment 2

Ang tractor ay isang multipurpose na kagamitan para sa farms. Sa tulong ng attachments at implements, nakakatulong ito sa iba’t ibang gawain sa sakahan. Ang ilan sa mga halimbawa ng attachments ay ang trailer, harvester, sprayer, plow, planter, loader, land leveler, at furrower.

Marami sa mga tractor attachments ay matalim at mabigat tulad ng mga manual na farm equipment, kung kaya kailangan ng pag-iingat habang ginagamit ito. Maliban dito, ang mga ito ay may mga moving parts na hindi dapat hawakan habang operasyon.

Dahil dito, ang mga attachment ay dapat lamang ginagamit ng mga trained operators. Siguraduhin na naiintidhan mo ang mga safety precautions na kailangan sundin tuwing magtatanggal, magkakabit, at gagamit ng mga kasangkapang ito. Maaari mong konsultahin ang operator’s manual para rito.

 

Key Takeaway

Ang iba’t – ibang uri ng tractor accidents ay maaari mong maiwasan kung naiintindihan mo ang tamang paggamit nito sa iyong farm. Siguraduhin na trained operators lamang ang gagamit nito para mapanatili mo ang safety sa sakahan. Maliban rito, inirerekomenda rin ang pagkumpleto ng safety checklist bago gamitin ang tractor sa isang shift. Kung may matagpuan kang problema, maiging ipaalam ito sa isang professional technician.

Kung kailangan mo ng tulong na panatilihin sa magandang kundisyon ang iyong tractor, maaari mo kaming tawagan o padalhan ng mensahe rito sa Ford Tractor. Maliban sa mataas na kalidad na mga tractor, nag-aalok rin kami ng after-sales services. Kabilang rito ang repairs at parts replacement. Mayroon kaming pitong service-centers nationwide at trained mechanics na handa para sa inyong mga service requests.