Ano-ano ang mga gabay para sa mga unang beses na bibili ng traktora?
- Magsaliksik tungkol sa mga traktora
- Laang-gugugulin
- Iwasang bumili ng luma at gamit na traktora
- Humanap ng maasahang supplier
- Magtanong sa supplier ng traktora
Ang paggamit ng traktora ay isa sa mga dahilan kung bakit nagiging produktibo ang mga magsasaka, kung saan hindi na nila kailangan pang kumuha ng manpower upang mag-ani o gawin ang iba pang mga farming duties gamit ang nasabing makinarya.
Kung ikaw ay nagbabalak bumili ng iyong kauna-unahang traktora, importanteng malaman mo kung paano makakahanap nang maayos at pang-matagalan makinarya upang makatipid ka sa mga susunod pang taon. Sa blog na ito, ating tatalakayin ang mga gabay para sa mga unang beses na bibili ng traktora upang hindi ka mahirapan sa pagpili.
Magsaliksik tungkol sa mga Traktora
Ang pagbili ng traktora ay ibang-iba kumpara sa pagbili ng kotse. Ito’y dahil ang unang nabanggit ay tumatagal ng ilang taon, minsan ay dekada, kumpara sa isang tipikal na sasakyan. Hangga’t sinisiguro mong may tamang maintenance at maayos ang paggamit mo sa traktora, makakaasa kang magagamit mo ito sa mahabang panahon.
Kaya naman ang una mong gagawin bago ka bumili ay ang magsaliksik ng iba’t-ibang traktora. Walang problema kung babagalan mo ang pagsasaliksik. Mas mainam nga ito dahil makakapili ka nang maayos na traktora na iyong gagamitin sa pagsasaka.
Maari ka ring magtanong sa mga kapwa mong magsasaka o sa mga nagbebenta ng traktora upang malaman mo ang “red flags” at “green flags” ng isang traktora. Nandiyan din si Google at mga product reviews na magbibigay ng impormasyon sa ‘yo.
Habang ginagawa mo ito, siguraduhin mong sinusulat mo ang mga ito upang maikonsidera mo sa oras na nakapagpasiya ka na.
Laang-Gugugulin
Bilang isang mamimili, dapat mong alamin kung magkano nga ba ang halagang iyong gugugulin sa pagbili ng isang traktora bago ka maghanap. Sa gano’ng paraan, maiiwasan mong bumili na lagpas sa perang iyong nilaan.
Sa pagkukwenta ng iyong badyet, kailangan mo ring isaalang-alang ang mga repairs, add-ons, at mga implements na ginagamit sa traktora upang mas mapabilis ang paggamit nito. Maari kang magsaliksik ng mga suppliers sa internet. Tignan ang mga modelong binebenta pati ang mga presyo. Ikumpara mo ang mga ito at pumili ka nang kaya ng iyong badyet. Iwasan mong bumili ng mga traktorang hindi angkop sa uri ng iyong pagsasaka.
Isa pa, magandang asset ang pagkakaroon ng bagong traktora dahil tutulungan ka nitong mas kumita kung magagamit nang mabuti at makakatulong din ito sa pag-aambag para sa amortization. Ito’y mangyayari lamang patuloy mong gagamitin at sisiguruhing dumadaan ito sa mga after-sales services.
Kung kaya’t importante ang pagpili ng tamang supplier sa pagbili ng isang traktora.
Iwasang Bumili Ng Luma At Gamit Na Traktora
Hindi maikakailang mas mura ang pagbili ng luma at gamit na traktora, ngunit tandaan mong nangangailangan ito nang paulit-ulit na repair at maintenance dahil nagamit na ito ng ilang oras. Sa kabilang banda, ang bagong traktora ay magtatagal kumpara sa luma, kung saan makakatipid ka.
Ugaliin ding isipin ang makabagong teknolohiya at pag-a-upgrade ng isang traktora. Kaya bang makipag-sabayan ng isang gamit ng traktora sa dalawang nabanggit? Sa bagong traktora, sigurado kang energy-efficient at emissions-compliant ang makina nito.
Humanap Ng Maasahang Supplier
Bilang isang first-time buyer, mainam na humanap ka ng isang supplier na maasahan at katiwa-tiwala. Narito ang mga tips sa pagpili ng isang supplier:
- Inventory – Ang isang maasahang supplier ay nagbebenta ng maraming modelo ng traktora upang makapili nang maayos ang kanilang mga customers. Iwasang bumili sa kulang-kulang o walang stock ng mga traktora.
- Facility – Alamin kung malinis at maayos ang storage ng supplier. Dito mo malalaman kung nagbebenta sila nang maayos na traktora.
- Ownership – Tignan mo rin kung maliit, family-owned, o malaking supplier ng mga traktora ang iyong pagbibilhan. Dito mo kasi malalaman kung kaya nitong ibigay ang mga serbisyo na kakailanganin ng iyong traktora.
- Sales Representative – Timbangin mo rin kung mabait, may positibong pag-uugali, nakikinig, at nakakapagbigay ng impormasyon sa ‘yo ang sales representative ng supplier na iyong pagbibilhan. Iwasang makipag-partner sa isang supplier na hindi sinasagot ang iyong mga tanong at kung nararamdaman mong hindi ka pinapahalagahan bilang customer.
Magtanong Sa Supplier Ng Traktora
Siguruhing alam ng iyong supplier ang mga gagawin mo sa traktora upang makapagbigay sila ng mga modelo na iyong pagpipilian. Alamin ang mga sumusunod na features at functions ng traktora:
- Horsepower – importanteng malaman mo ang horsepower ng isang traktora. Kung malaki ang bibilhin mong traktora, asahan mong mataas ang horsepower nito. May dalawang klase nito: ang engine horsepower at power take-off horsepower.
- Laki – Iba-iba ang laki ng mga traktora depende sa kanilang mga modelo. Ang lawn tractors ang pinakamaliit habang ang agricultural tractors ang pinakamalaki.
- Transmission systems – Ito ay ang nagko-kontrol ng power output ng iyong traktora. Kinokontrol nito ang direksiyon at bilis.
- Implements – Ito ang mga parts na kinakabit sa iyong traktora upang mas mapabilis ang iyong farming duties at maiwasan ang manpower.
Key Takeaway
Sa blog na ito’y napag-usapan natin ang mga gabay para sa mga unang beses na bibili ng traktora. Nawa’y nakatulong ito upang mas makapagpasiya ka nang maayos at makapili nang maganda at pang-matagalang traktora.
Kung nais mong bumili ng isang high-quality agricultural tractors, dito ka na sa Ford Tractor — ang nangungunang farming equipment distributor in the Philippines! Tiyak na makakapili ka dahil sa dami ng aming mga tractor models, implements, at value-added services.
Mag-iwan lamang ng mensahe at ang aming sales team ang makikipag-usap sa ‘yo.