Ano-ano ang mga techniques para sa magandang pagpapatakbo ng traktora?
- Siguruhing pamilyar ang operaytor sa mga parte ng traktora
- Tignan kung ang mga attachments na mas mabigat sa traktora ay may sariling brakes
- Ikabit ang mga attachments sa tama nilang puwesto sa traktora
- Tiyakin ang tamang pagpapaandar ng traktora
- Alamin ang tamang pagkuha ng traksiyon
Ang pagpapatakbo ng traktora ay isa sa mga mahalagang kasangkapan ng mga magsasaka upang mas mapabilis ang kanilang mga pang-agrikulturang gawain. Upang matiyak ang ligtas at maayos na paggamit nito, kinakailangan ng wastong kaalaman sa mga tamang techniques para sa magandang pagpapatakbo ng traktora.
Ito’y upang masanay at mapag-aralan ang tamang pagpapatakbo nito, na makakatulong upang maiwasan ang anumang aksidente sa gitna ng iyong mga gawain.
Siguruhing Pamilyar ang Operaytor sa mga Parte ng Traktora at Kuna Paano Ito I-Maintain
Una sa lahat, importanteng malaman ng isang operaytor ang bawat parte ng traktora upang maging pamilyar siya kung ano ang kahalagahan ng bawat parte sa tamang pagpapaandar ng traktora.
Dahil hindi birong gawain ang pagpapatakbo ng traktora lalo pa’t may mga nakakabit ditong mabibigat na mga attachments, mainam na ang operaytor na gagamit nito ay nasa hustong edad na’t maalam sa mga gawaing pagsasaka. Sa ganitong paraan, madali nitong matututunan ang tamang pagpapatakbo ng traktora.
Sa mga nakalipas naming blog posts, aming sinasabi na iba-iba ang horsepower ng bawat traktora. Ito’y upang mabigyang daan ang mga magsasaka na makapili nang nararapat na traktora para sa kanilang pagsasaka.
Dahil dito, mainam din na pamilyar ang operaytor sa iba’t-ibang horsepower na kaakibat ng mga traktora upang magkaroon siya ng ideya kung paano niya imamaneho ang traktora – mabagal, katamtaman, o kailangan ng sapat na bilis.
Maliban doon, kailangan din mayroon din sinusunod na maintenance schedule ang mga operaytor na ito. Importante ang maintenance para sa isang traktora dahil katulad ng mga ibang mga kotse, may mga kailangan din gawin upang maging maayos lagi ang takbo nito.
Tignan Kung ang mga Attachments na Mas Mabigat sa Traktora ay May Sariling Brakes
Iba-iba ang mga attachments na ginagamit sa traktora. Mayroong cultivator, plow, transplanter, at iba pa. Sa paggamit ng mga ito, isa sa mga dapat mong alamin ay ang timbang nila bago mo tuluyang ikabit sa nasabing makinarya. Ito’y dahil makakatulong ito upang mas maging maingat ka sa pagmamaneho ng traktora.
Makikita mo ang timbang ng bawat attachment sa manufacturer’s manual pati na rin ang mga guidelines na dapat mong alamin. Siguruhin mo na ang mga attachments na mas mabigat sa traktora ay may kaniya-kaniyang brakes, gumagana nang maayos, at alamin mo kung paano sila gamitin nang tama para sa iyong mga gawaing pagsasaka.
Ikabit ang mga Attachments sa Tama Nilang Puwesto sa Traktora
Sa pagkakabit ng mga attachments para sa iyong traktora, importanteng ilagay ang mga ito sa tamang puwesto upang masiguro mong ligtas ang iyong pagpapatakbo at hindi rin maapektuhan ang iyong mga pananim.
Una, bago tuluyang ikabit sa traktora, i-check mo muna kung tama ang mga attachments para sa uri ng iyong pang-agrikultural na gawain. Kapag ito’y natiyak mo na, ikabit ang mga ito sa tamang puwesto at siguruhing tama ang mga bolt at screws nito para sa iyong kaligtasan at upang hindi sila magkalas sa gitna ng pagtatrabaho.
Higit pa rito, tiyakin mo rin na may tama kang pinagbabasehan sa pagkabit ng mga ito tulad na lamang ng manufacturer’s guide na mayroong detalyadong deskripsiyon para sa tamang pagkakabit ng mga attachments.
Tiyakin ang Tamang Pagpapaandar ng Traktora
Palagi mong tatandaan na dapat kang maging maingat sa pagkontrol ng iyong traktora lalo na kapag ika’y nasa driver’s seat.
Sa mga magsasakang nagpa-plano pa lamang bumili ng traktora, ‘wag kayong mag-alala dahil nagbibigay ng mga tamang hakbang ang isang tractor manufacturer sa paggamit nito. Ipapaalam nila sa ‘yo na may mga special designed controls ang mga traktora.
Dito sa Ford Tractor Philippines, ang aming modern at high-quality na mga traktora ay may tatlong color coding system upang masuri mo ang mga levers nito.
- Orange – movement (gears, 2WD, 4WD, accelerator)
- Yellow – power take-off
- Black – rear three-point linkage
Ang mga control na ito’y ginagamit kapag ang operaytor ay nakaupo na sa driver’s seat ng traktora. Gagamitin mo lamang ang mga ito kapag nakaupo ka na’t nakatitiyak na handa ka nang magmaneho.
Ipapaalala lamang naman na hindi mo dapat paganahin ang engine ng traktora kung wala ka pa sa ibabaw ng driver’s seat, upang hindi ka maaksidente.
Alamin ang Tamang Pagkuha ng Traksiyon
Panghuli, may mga pagkakataon na kailangan mong patakbuhin ang iyong traktora sa mga lugar na may mababang traksiyon tulad ng mga mapuputik na lugar, kung kaya’t maaring lumubog ang traktora sa lupa.
Mabuti na lamang at may mga traktorang may sari-sariling brakes para sa kaliwa’t kanan ng mga gulong. Kaya naman kung nararamdaman mong lumulubog ang mga gulong ng iyong traktora, i-apply lamang ang brake upang maiwasan ito.
Maari mo ring i-lock ang rear ng iyong traktora upang mapanatili ang tamang bilis ng mga gulong, na makakatulong upang mapatakbo mo pa rin ang traktora kahit sa mapuputik na lupa ng iyong sakahan. Kailangan mo lamang mag-ingat dahil hindi ito madali lalo na’t kailangan ay dire-diretso ang iyong pagmamaneho upang hindi lumubog ang mga gulong.
Key Takeaway
Ang mga techniques para sa tamang pagpapatakbo ng traktora ay mahalaga upang matiyak na ito’y makakatulong sa pagiging produktibo ng iyong mga gawain. Nawa’y nakatulong ang mga techniques na ito upang mas maging ligtas at komportable ka sa iyong mga pang-agrikultural na gawain.
Naghahanap ka ba ng mga high-quality farming equipment? Dito ka na sa Ford Tractor Philippines. Ang aming mga top-notch agricultural tractors at mga attchments ay tiyak na magagamit mo nang pang-matagalan, na makakatulong sa ‘yo para makatipid!
Mag-iwan lamang ng mensahe sa Ford Tractor Philippines dito para sa iba pang detalye.